Claudine nakipag-ayos na kay Raymart, pero walang ‘balikan’ | Bandera

Claudine nakipag-ayos na kay Raymart, pero walang ‘balikan’

Cristy Fermin - June 30, 2019 - 12:35 AM

CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO

Nagbubunyi ngayon ang mga hindi nagbabagong tagasuporta ni Claudine Barretto sa lumabas na balitang babalik na siya sa paggawa ng pelikula.

Nu’ng isang araw ay nagpa-pictorial na ang maganda pa ring aktres, ‘yun ang mga pictures na gagamitin sa publicity ng kanyang pagbabalik, kaya nabuhay ang pag-asa ng kanyang mga tagahanga na nandiyan pa rin.

Panahon na nga naman para humarap na uli sa mga camera si Claudine, sayang na sayang ang mga pagkakataong pinalalampas niya, dati siyang Primetime Queen ng ABS-CBN.

Sa kuwento ng aming source ay magandang-maganda pa rin ang aktres, makinis na makinis ang kutis, positibo ang kanyang aura na ang ibig sabihin ay may kapayapaan na siya ng kalooban.

Malakas ang kutob namin na maayos na sila ni Raymart Santiago, naging maligalig ang kanilang paghihiwalay, pero ang lahat naman ay ginagamot ng panahon.

Nandiyan pa rin ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino na nag-uugnay sa kanila, puwedeng hindi na sila magkabalikan, pero ang pagiging magulang ng kanilang mga supling ay hindi nila maikakaila.

Isang araw ay ipagkikibit-balikat na lang nina Raymart at Claudine ang kinauwian ng kanilang relasyon.

Ang mahalaga ay lumalaki ang kanilang mga anak na kumpleto ang kanilang pakiramdam na meron silang ama at inang nagkakasundo.

“Napakaganda pa rin ni Claudine, parang hindi siya tumatanda. At napakakinis niya! Saka alam mong may inner peace na siya ngayon,” papuri pa sa aktres ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending