Sikat na aktor, female celeb may feelings sa isa't isa pero bawal pang lumantad | Bandera

Sikat na aktor, female celeb may feelings sa isa’t isa pero bawal pang lumantad

Cristy Fermin - June 28, 2019 - 12:35 AM

AYON sa ilang impormante ay totoong may tama sa isa’t isa ang dalawang kilalang personalidad ng isang network pero hindi nga lang sila nagpapakalantad tungkol du’n.

Sikat ang male personality, kilala naman ang babae na mula sa pamilya ng mga artista, nang una silang magkakilala ay meron agad silang naramdamang kakaiba pero kinimkim lang nila ‘yun.

Malalagay kasi sa matinding kontrobersiya ang female personality kapag may nakahalata ng espesyal nilang nararamdaman, mararamot ang mga tagahanga ng male personality, siguradong maba-bash nang todo ang babae.

Kuwento ng isang source, “Tahimik lang sila, hindi sila nagpapahalata, pero totoong may tama sila sa isa’t isa. Mabait kasi ang girl, nakuha niya ang loob ng mabait ding male personality, swak ang ugali nila.

“Pero hanggang du’n lang muna sila, kumustahan lang muna, wala silang pagpapalitan ng posts sa social media, alam kasi nila na du’n sila mabubuking!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Simple lang ang girl, matalino ito pero walang angas sa katawan, maganda ang naging pagpapalaki sa kanya ng mga magulang nito na parehong artista.

“‘Yung guy naman, e, kilalang-kilala rin sa kabaitan niya. Ibang klase ang taong ‘yun, sikat na sikat na siya, pero parang ang feeling niya, e, baguhang artista pa lang siya!

“Maganda ang PR niya, magaling siyang makisama, hindi mo mararamadman na ganu’n na siya kasikat, kasi nga, walang-wala ‘yun sa pagsasalita niya. Naturalesa na niya ang pagiging humble.

“Kahit saan siya magpunta, e, walang makapagsasabing suplado siya, pinagbibigyan niya ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya. Kesehodang antok na antok pa siya at sobrang pagod, hindi ‘yun reason para biguin niya ang mga fans.

“Ganu’n siya kabait, very low key siya, kaya maraming nagmamahal sa kanya. ‘Yun nga lang, may karamutan ang mga faney niya, ayaw siyang ma-link kahit kanino, nabubuhay pa rin sila sa ilusyon na ‘yung girl na gusto nila para sa idol nila ang talagang mahal niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano ba naman ‘yan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may boyfriend na ang girl na ipinagduduldulan sa kanya ng mga faney, di ba naman?” natatawang pagtatapos ng aming source.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending