Sikat na male star walang utang na loob, ayaw nang makipagkita sa dating katropa | Bandera

Sikat na male star walang utang na loob, ayaw nang makipagkita sa dating katropa

Cristy Fermin - June 21, 2019 - 12:40 AM

MAGKAKASAMA nu’ng gabing ‘yun ang mga taga-showbiz na dating nakakasama ng isang male personality na ngayon ay may magandang trabaho na at balitang mayamang-mayaman na rin ngayon.

Puro pag-alala sa nakaraan ang kanilang pinagkuwentuhan. Napakasimple lang ng kanyang buhay nu’ng wala pa siyang pangalan.
Kuwento ng aming source, “Ang magkakaumpukan kasi, e, ‘yung mga dating nakakasama ni ____ (pangalan ng sikat nang aktor ngayon) nu’ng nag-uumpisa pa lang siya sa pag-aartista.

“Umaga pa lang pala, e, nandu’n na siya sa bahay nu’ng isang kasamahan niyang aktor. Du’n na siya kumakain ng agahan, pati tanghalian, kasi nga, walang-wala pa naman siya nu’n.

“Hanggang sa nabigyan na nga siya ng magagandang roles sa mga pelikulang pinagbidahan niya.

Kumikita na siya, nakakuha na siya ng uupahang apartment, pero nagsasama-sama pa rin sila ng mga lalaking nangangarap na katulad niya,” unang chika ng aming impormante.

Ibang-iba na nga ang estado ng popularidad ngayon ng male personality, mayamang-mayaman na rin siya ngayon dahil mabenta rin siya sa mga commercials, naaalala pa rin ba ng aktor ang kanyang mga dating kasamahan?

Balik-chika ng aming source, “‘Yun ang nakakalungkot, hindi na sila nagkikita-kita ngayon. Very busy na kasi ang male pesonality, wala na siyang panahon para makipagkita sa mga dati niyang kaibigan.

“Ayaw namang magpunta sa taping niya ang mga dati niyang kasamahan, kasi nga naman, baka hindi rin sila harapin ng male personality. Ganu’n kasi ang mga nakararating na kuwento sa kanila, bawal daw abalahin ‘yung dati nilang kaibigan dahil mahalaga ang bawat minuto niya habang nagtatrabaho siya.

“Hindi ba, sa kanya dapat manggaling ang pakikipag-communicate uli sa mga dati niyang nakakasama?

‘Yung guy kung saan siya nakikikain ng breakfast at lunch dahil wala pa siyang datung nu’n, di ba naman dapat lang niyang balikan para pasalamatan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi nga niya dapat kalimutan ang mga taong nakasama niya nu’n, kasi, wala namang sigurado sa popularity na ine-enjoy niya ngayon. Mas maganda kung tatanaw siya ng utang na loob sa mga unang-unang taong nakatulong sa kanya,” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam naming paborito n’yo ang tinapay ng Pan Familia na kapangalan ng sikat at mayaman nang male personality na ‘yan, sa totoo lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending