‘Dapat gayahin ni Cherie Gil ang pagiging humble ni Dingdong’
Sampal kay Aling Cherie Gil ang statement ni Dingdong Something na okay lang sa kanya na tawagin siyang Tito or Daddy ng mga baguhang artista.
“Dati, Kuya ang tawag sa akin. Ngayon, Tito o baka nga Daddy na, kasi ilang taon na sila,” say ni Dingdong in a recent interview bilang host ng isang reality-based artista search.
No, hindi niya gagayahin si Aling Cherie who is now infamous for her “don’t-call-me-Tita” stance.
“Hindi naman, Daddy nga, puwede. May mga 16-year-old dito,” dadgag pang say ng actor at TV host.
Kasi naman, mas rational itong si Dingdong kaysa sa ilusyonadang si Aling Cherie. Walang masama kung tawaging Tito or Daddy si Dingdong and it is something that we admire from him.
Comment nga ng isang netizen na nayabangan at naangasan kay Aling Cherie, “Akala mo naman kung sinong national artist. Ang tagal na niya dito sa Pilipinas, ‘no! Arte mo!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.