SWS: Maraming Pinoy happy, satisfied sa buhay
NAKARARAMING Pilipino ang masaya sa kanilang buhay, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa tanong na: “Kung iisipin ninyo ang inyong buhay sa kabuuan sa ngayon, masasabi ba ninyo na kayo ay?” sinabi ng 44 porsyento na sila ay talagang masaya at 49 porsyento ang nagsabi na sila ay medyo masaya.
Ang hindi masyadong masaya ay pitong porsyento at 1 porsyento naman ang talagang hindi masaya.
Sa survey noong Disyembre 2018, ang nagsabi na sila ay talagang masaya ay 39 porsyento at 48 porsyento ang medyo masaya.
Bumaba naman ang bilang ng mga hindi masyadong masaya (11 porsyento) at hindi talaga masaya (2 porsyento).
Sa pinakahuling survey, nakararami rin ang nasisiyahan (satisfied) sa kanilang buhay.
Ayon sa 37 porsyento sila ay lubos na nasisiyahan, 53 porsyento ang medyo nasisiyahan, 8 porsyento ang hindi nasisiyahan at dalawang porsyento ang lubos na hindi nasisiyahan.
Mas mataas ito sa 34 porsyento na lubos na nasisiyahan sa survey at 53 porsyentong medyo nasisiyahan sa survey noong Disyembre.
Ginawa ang survey mula Marso 28-31 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Mayroon itong error of margin na 2.6 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.