Iwas-varicose tips | Bandera

Iwas-varicose tips

- May 06, 2019 - 08:00 AM

1. Itaas ang iyong kamay o paa. Ang sanhi ng varicose vein ay ang pagluwag ng mga ugat. Kaya kapag laging nakababa ang iyong mga paa, naiipon dito ang dugo at namamaga ang ugat. Ang solusyon? Umupo at ipatong ang iyong mga paa sa isang silya o kutson. Ipatong din ang iyong kamay sa isang unan at itaas ng ilang beses sa loob ng isang araw.

2. Magsuot ng support stockings o masikip na medyas. Ang support stockings ang pinakamabisang lunas sa varicose veins.

3. Huwag tumayo ng matagal. Kung ang trabaho mo ay laging nakatayo, puwede kang magkaroon ng varicose veins. Kaya naman galaw-galawin ang iyong mga paa habang nakatayo para umakyat ang dugo mula sa i-yong paa pabalik sa iyong puso.

4. Itaas ang paa habang natutulog. Ipatong ang iyong mga paa sa isang unan para mabawasan ng pag-iipon ng dugo dito

5. Iwasang magsuot ng masikip na pantalon. Kapag masikip ang pantalon, posibleng maipit ang mga ugat at mapigilan ang pagdaloy ng dugo sa mga paa.

6. Kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber. Ang mga pagkain tulad ng pechay, okra, kangkong, patola, papaya at pinya ay hitik sa fiber at makatutulong para maging regular ang iyong pagdumi at makaiwas sa varicose veins.

ALAM MO BA?

NA mapanganib ang varicose veins o varicosities?

Hindi lang dahil nakasisira ito ng ganda ng binti; may mas mabigat na karamdaman ang maaaring idulot nito?

Ang “veins” ay parte ng mga ugat sa katawan na nagdadala ng dugo pabalik sa puso. Hindi mataas ang presyon sa loob nito nguni’t kung ito ay lumuluwag na, tumataas ang “venous pressure” kung kaya’t lumulobo ito at ang mga balbula nito ay hindi na nakakapigil sa “backflow” ng dugo palayo sa puso, kabaligtaran ng dapat na direksyon nito.

Sa ganitong sitwasyon, nakikita ang varicose vein na malalaking ugat na kulay asul at berde, ang hugis ay parang ahas na minsan ay nakapulupot, at mayroon pang mga maliliit na mapupulang ugat na animo’y gagamba.

Dahil sa venous hypertension, sumasakit ang mga ugat sa binti at kung minsan pa ay namamaga. Kapag masyadong mabagal ang daloy ng dugo, maaring mamuo ang dugo at magkaroon ng blood clots o pamumuo ng dugo.

Delikado ang kundisyon na ito dahil may posibilidad na lumakad ang “thrombus o blood clot” papunta sa baga, isang “emergency situation” na dapat matugunan agad. Kung hindi ay posibleng maging sanhi ng kamatayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madalas din makitang namamanas ang mga binti hanggang talampakan kapag may venous hypertension.
Kapag matagal na ang kundisyon na ito, nagingitim at nagiging makapal at magaspang ang balat sa binti.

Minsan ay nagsusugat pa ito at kung may impeksyon, mabaho ang amoy ng sugat. Nahihirapan na maglakad ang may varicose vein dahil sa bigat ng mga binti, at sa sakit na nararanasan. Minsan naman ay nawawalan din lang ng balanse.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending