Lokal na kandidato sa Tarlac nanampal ng Comelec officer dahil sa posters | Bandera

Lokal na kandidato sa Tarlac nanampal ng Comelec officer dahil sa posters

- April 08, 2019 - 03:48 PM

SUMAILALIM ngayong araw sa inquest proceedings ang abogadong si Marty Franz Toralba, na tumatakbong provincial board member, matapos ang isinampang kasong grave misconduct laban sa kanya dahil sa pananampal ng opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Tarlac. 

Inaresto ng mga pulis si Toralba matapos sampalin si Teddy Mariano, 59, Comelec officer III, dahil sa pagtatanggal ng mga iligal na campaign posters sa Tarlac Linggo ng umaga.

Nakapinta ang mga campaign posters ni Toralba sa mga pader sa kahabaan ng sidewalk sa Sitio Camartinezan sa Malacampa at Cacamilingan Norte, Camiling, Tarlac, ayon sa pulisya.

Base sa ulat, pinagbantaan pa umano ni 

Toralba si Mariano matapos ang pangyayari.

“Kung may mamatay sa tao ko, may mamatay din sa tao mo. Lika at magsuntukan tayo,” sabi umano ni Toralba.

Pinagmumura pa umano ni Toralba si Mariano habang kapwa nasa police station.

Nirekomenda na ng pulisya sa Tarlac Police Provincial Office Validation Committee na ibilang ang insidente bilang  election related.

Tinangkang hingan ng pahayag si Toralba, bagamat hindi pa sumasagot. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending