Tom ‘sinaniban’ sa shooting: Biglang utal-utal na akong magsalita, tapos nahihirapan na akong makahinga…
NAUUSO na naman ngayon ang mga Pinoy horror movies. Pagkatapos ng “Eerie” nina Charo Santos at Bea Alonzo, sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis naman ang mananakot sa mga moviegoers.
Bibida ang dalawang Kapuso stars sa “Maledicto” sa direksyon ni Mark Meily under Fox Philippines, Unitel at Cignal Entertainment. Tatalakayin nito ang kontrobersyal na “sanib” at “exorcism” na usung-uso rin ngayon sa mga probinsya.
Sa presscon ng “Maledicto” ay naikuwento ni Tom na minsan na rin siyang napaglaruan ng hindi maipaliwanag na elemento noong nagsu-shooting sila para sa pelikulang “Temptation Island”. Nangyari raw ito sa isang lumang building somewhere in Ilocos.
“I was talking about the palette painting of Juan Luna, mismong palette ni Juan Luna that had oil paints. Sabi ko this is cool, kinukwento ko kina Solenn (Heussaff) and Aljur (Abrenica). Tapos pagtingin ko, wala na sila at naiwan ako doon sa may hallway.
“When I walked into this one room, parang maid quarters daw siya. I leaned forward. May mirror na luma na parang ,ay mga stains. When I leaned into the room nakita ko yung itsura ko. Siguro natakot, nausog yata ako sa mukha ko. Ha-hahaha!
“Pero honestly, pagtingin ko ng ganu’n something weird came over kaya umalis agad ako sa room. Nagpunta ako kina Solenn tapos sabi ko, ‘You know what, I’m fine with this whole house but do you guys feel anything weird with that one room? I just feel so weird and heavy with that one room.’
“Sabi nila wala naman dahil hindi daw nila napuntahan. Tapos maya-maya hindi na ako makapagsalita, parang nauutal-utal na ‘ko. Sabi ko pwede bang bumalik ng van muna medyo nahihilo lang ako. They asked me kung okay lang ako, sabi ko ‘Yeah, okay lang ako, uupo lang ako. Si Aljur ang nagsabi ng, ‘Hindi, hindi okay yan. Ipa-check n’yo na.
“Tapos nagpatawag, I think si Ms. Imee Marcos, when she hosted us into that house. Nagpatawag siya ng albularyo, nilapitan ako sa loob ng van. Tapos ganyan siya kalapit sa akin ginaganu’n (hinahampas) ako ng dahon tapos bigla, no more sweating, my mind was clear, I was lucid as if nothing happened. I was like, what was that!” tuluy-tuloy na kuwento ni Tom.
Hindi raw niya alam kung may sumanib sa kanyang masamang espiritu o nausog siya ng kung sinuman ang nasa loob ng kwartong pinuntahan niya. Basta napaka-weird daw ng feeling at first time raw niya na nakaramdam ng ganu’n.
q q q
Speaking of “Maledicto”, gagampanan ni Tom sa movie ang role bilang Fr. Xavi habang madre naman si Jasmine as Sister Barbie. Makakasama nila rito si Miles Ocampo na siyang gaganap sa karakter ni Agnes na sinasaniban ng ligaw na kaluluwa.
Nasa movie rin si Inah de Belen na gaganap bilang si Mara, ang kapatid ng karakter ni Tom na namatay na hindi matahimik dahil sa nangyari sa kanya. Kasama rin sa pelikula sina Martin Escudero, Eric Quizon, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lorena at Menggie Cobarrubias.
Ayon kay Jude Turcuato, Senior Vice-President and General Manager ng Fox Networks Group PH, “Maledicto is a erally big feat for FNG, being the first ever film we’ev produced locally, with an all-Filipino cast at that. With this movie under our belt, we’re hoping to elevate Filipino cinema to one of a Hollywood pedigree.”
Showing na sa May 1 ang “Maledicto” nationwide. Promise ng buong cast at ng production, this is more than just a suspense-horror movie na talagang magmamarka sa utak ng mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.