Hello, talbos ng kamote! | Bandera

Hello, talbos ng kamote!

Jun Mogol - April 01, 2019 - 08:00 AM


ISA sa karaniwang inaayawan ng mga bata, at maging ng ilang matatanda ay ang pagkain ng talbos ng kamote.

Isang uri ng dahon na mumunti man ay higante naman sa bigat ang sustansiyang hatid sa katawan ng tao.

Mayaman ito sa Vitamin A, Vitamin C, Vitamin K, Thiamine (B1), Niacin (B3), Riboflavin (B2), Iron, Folic Acid, Calcium at Protein.

Pero, anu-ano nga ba ang maidudulot ng mga bitaminang ito sa kalusugan?

Narito ang ilang mga benepisyong dulot ng pagkain ng talbos ng kamote:

Panlaban sa anemia

Malaki ang naibibigay nitong Iron at Folic Acid para makaiwas sa anemia o kakulangan ng dugo. Mahalaga rin ito sa pagkakaroon ng ma-gandang kutis.

Panlaban sa dental at oral problems

Ang Vitamin A, C at K naman ay nakatutulong sa pagkakaroon ng matitibay na ngipin at malulusog na gilagid. Tumutulong ito upang puksain ang mga bacteria sa bibig na sumisira sa ngipin.

Pampalinaw ng mata

Ang Vitamin A at C ay nakatutulong dinupang maiwasan ang mabilis na paglabo ng mga mata habang ang tao ay nagkakaedad.

Panlaban sa osteoporosis

Mayroon din itong calcium at protein, Vitamins B1, B2, at B3 na tumutulong sa pagpapalakas ng mga buto at pangangatawan. Makatutulong ito para labanan ang osteoporosis, isang kondisyon ng pagrupok o paghina ng mga buto habang ang tao ay tumatanda.

Panlaban sa diabetes at colon cancer

Malaki rin ang naidudulot na tulong nito para labanan ang nakamamatay na diabetes at colon cancer dahil nakapagpapababa ito ng blood sugar at nakatutulong sa mabilis na pagtunaw ng mga pagkain sa bituka.

Bukod sa mga benepisyong naidudulot nito sa kalusugan, isa pang malaking kontribusyon nito sa tao ay hindi kailangang gumastos ng malaki para sa gulay na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabuti itong pamalit sa karne at isda bilang pang-ulam kung talagang sagad na ang iyong budget. At kung matiyaga ka pa nga, maaari mo itong makuha ng libre, dahil maaaring magtanim nito sa paligid lang ng iyong bahay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending