Aiko isinakripisyo ang showbiz career para sa dyowang politiko
SIMULA na ngayong araw ng kampanya para sa mga kakandidato sa local government positions tulad ng mayor, governor at congressman.
Pero para kay Sta. Rosa City, Laguna Mayor Dan Fernandez, babalikan niya ang pagiging legislator dahil ito ang posisyong tatakbuhan niya at hindi na bilang Chief Executive ng syudad.
Si Richard Gomez naman ay ang pagiging pinuno muli ng Ormoc City ang target.
Sa Instagram account na @richardgomezinstgram, ipinagmalaki ng actor-politician ang billion peso savings at zero loan ng Ormoc City.
Kaya naman na-tag ang syudad na richest city in Eastern Samar.
Sa Metro Manila posts, bakbakan ang labanan ng incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada at ang mahigpit niyang katunggali na si Isko Moreno.
Labanan naman ng artista sa Vice Mayor position sa Quezon City – sina Roderick Paulate at Gian Sotto. Isa rin sa tumatarget ng position ay ang celebrity lawyer na si Jopet Sison.
Pero ang kahanga-hanga sa lahat ay si Aiko Melendez na sinubukan nang pasukin ang politics noon sa Quezon City ngunit nagdesisyong huwag munang tumakbo sa May midterm elections.
This time, tinalikran muna niya ang kanyang political and showbiz career para tulungan sa kampanya ang boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun na tumatakbo namang vice governor ng Zambales.
Good luck sa mga celebrities na lalaban sa local positions ngayong Mayo at patunayan n’yong karapat-dapat din ang mga artista na maglingkod sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.