Singer-actor naghihirap na kaya hiniwalayan ng asawa; minamalas ang career | Bandera

Singer-actor naghihirap na kaya hiniwalayan ng asawa; minamalas ang career

Cristy Fermin |February 27,2019
facebook
share this

Singer-actor naghihirap na kaya hiniwalayan ng asawa; minamalas ang career

Cristy Fermin - February 27, 2019 - 12:15 AM

GALING sa isang malaking pamilya ng mga singers ang isang dating miyembro ng isang pangkabataang programa. Siyempre’y magaling siyang kumanta, pero pinasok niya rin ang pag-arte, mabenta naman siya sa magkabilang mundo.

Maraming nalulungkot sa kinahinatnan ng kanyang personal na buhay dahil nagkahiwalay na pala ang singer-actor at ang kanyang misis na hindi artista.

Saludo pa naman sa kanya ang mga dati niyang kasamahan dahil mahusay siyang magdala ng pamilya, maayos ang buhay nilang mag-anak, puro guwapo pa ang kanilang mga anak.

Kuwento ng aming source, “Dumating kasi ang point na napakatumal talaga ng trabaho ng singer-actor. Kahit ano ang gawin niyang paghahanap ng raket, talagang walang available.

“Nahihiya na siyang lumapit sa mga kapatid niya, may mga pamilya na rin kasi, kaya lumalapit siya sa mga kaibigan niya para makapanghiram ng datung.

“Pero siyempre, minsan-makalawa lang ang pangungutang, sa ikatlo, hindi na siya mapagbibigyan, lalo na kung hindi pa naman siya nakapagbabawas sa dati niyang hiniram.

“Nagkahiwalay sila ng wife niya, hindi na siguro nakatiis ang girl dahil walang sure na pinagkakakitaan ang husband niya. Suwertihan lang ang laban,” simulang kuwento ng aming impormante.

Super-close ang magkakapatid na singers, kung sino ang meron ay nagtutulungan sila, kaya hindi naman nagugutom ang singer-actor. Ang pinoproblema lang niya ay ang sustento para sa kanyang mga anak, kailangan niyang tumupad sa usapan nila ng nakahiwalay niyang asawa, hindi siya dapat masira.

“May isang pamangkin siyang artista rin na maganda ang buhay, malaki na ang naiipon, pero ayaw niyang lumapit para humingi ng tulong.

“Hindi kasi masyadong close sa family nila ang magandang female personality, mas close ang pamangkin niya sa side ng mommy niya, kaya nahihiya siyang lumapit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming natulungan ang singer-actor nu’ng very active pa siya sa pagdadala ng mga artista at basketball players sa mga probinsiya, matulungan sana nila ang singer-actor na nangangailangan naman ng tulong nila ngayon,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sasaludo talaga kami sa inyo kapag natumbok n’yo kung sino ang singer-actor na ito na dating miyembro ng isang pambagets na show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending