3 arestado, P102K shabu nakumpiska sa Cebu City

January 24,2019
share this

3 arestado, P102K shabu nakumpiska sa Cebu City

January 24,2019
share this

SHABU BUY BUST

ARESTADO ang tatlo katao, kabilang ang dalawang nagre-repack ng shabu at isang tumatayong bantay sa isinagawang operasyon sa Barangay San Nicolas, Cebu City, kaninang umaga.

Sinabi ni Chief Inspector Keith Allen Andaya, Punta Princesa Police Precinct Drug Enforcement Unit chief, na nakumpiska rin ang tinatayang P102,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation pasado alas-2 ng umaga sa isang abandonadong bahay sa barangay.

Idinagdag ni Andaya na kabilang sa mga naaresto ay sina Kevin Mendoza, 37, Junnel Paredes, 28, at  Alain Encalado, 52.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isinagawa ang operasyon laban kina Mendoza at Paredes matapos na maaresto ang isang suspek sa droga sa Barangay Tisa, na siyang nagturo sa kanila bilang pinagkukunan ng droga.

Naaktuhan ng mga otoridad na nagre-repack ng shabu ang mga suspek sa loob ng bahay.

Nakakulong ang mga suspek sa Punta Princesa Police Precinct detention cell.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending