Jessy sinabotahe nga ba sa sariling filmfest entry dahil sa attitude?
HUMABOL sa ikahuling araw (Jan. 7) ang isang film reviewer para makumpleto niya ang walong kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018.
With his consent ay ipinaalam namin sa kanya na hindi na namin idadaan pa sa blind item ang kanyang subject being Jessy Mendiola who starred in “The Girl In The Orange Dress.” Katambal ni Jessy dito si Jericho Rosales.
Sa pagtatapos ng MMFF, kabilang ang nasabing entry sa bottom 3, the two others being “One Great Love” and “Otlum”. Wala rin ni isang naiuwing award ang movie nina Jessy at Jericho.
Nagpasintabi agad ang aming film reviewer-source that Jessy—in person—has one of the most beautiful faces. Kahit saang anggulo raw sipatin ay tila walang imperfection sa mukha ng aktres.
“Pero bakit ganu’n?” nagsimula nang umarya ang aming kausap, “Mukha siyang kaha de yero (vault) sa mga anggulo niya from beginning to end!”
Ang nakakaaliw pa sa kanyang obserbasyon, mas nagmukha pa raw pretty kesa kay Jessy si Jericho.
Duda lang naman ng aming source, hindi raw kaya napag-initan si Jesssy ng ilang technical staff partikular na ang cinematographer ng pelikula?
OA man ang sumunod niyang linya, ang unang-una raw na dapat kaibiganin ng isang artista on the set of the movie ay ang cinematographer na siyang nag-aalaga ng anggulo ng sinumang cast member.
Tanong namin, bakit naman magkakaroon ng isyu sa pagitan ni Jessy at ng cinematographer kung saka-sakali? Our source based his impression on the series of not-so-pleasant talks involving Jessy.
Napapabalita kasing may attitude ito, na possible raw ay hindi lingid sa kaalaman ng mga tauhan sa produksiyon, “It’s just my wild guess, ha? Halata kasing Jessy wasn’t well taken care of sa mga shots niya.”
Follow-up question namin: suki ng nagprodyus ng movie si Jennylyn Mercado, had she been chosen to play the part (kahit saang anggulo’y nangungusap ang ganda nito) would she have been taken care of by the cinematographer?
Flatly, ang tugon ng aming kausap niya: “Hindi puwede si Jennylyn…she’s old for the role!”
q q q
Eto na lang ang iba-blind item namin, still on last year’s MMFF. Ilang araw ay idinaos nga ang Gabi ng Parangal. Isa sa mga nagwagi ang nagtanong sa kanyang kasamahan sa industriya, short of validating kung deserving siya sa nasungkit na karangalan.
“Okey ba ang performance ko du’n (referring to the film na humakot din ng mga awards)?” tanong nito, na sinagot naman ng kanyang kausap ng, “Oo naman!”
Kaso, hindi na raw itinuloy pa ng kanyang pinagtanungan ang kanyang honest take on the film.
In fairness, well-acted ‘yon ng mga tauhan, “But the film is too tedious…ang dami-daming issues. Nakakapagod panoorin!”
Ang ending: hindi rin daw nito nagustuhan ang kabuuan ng pelikula.
At habang tinitipa namin ang kolum na ito’y palubog na rin ang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.