Kris: Ang ninakawan special child at isang 11 years old... and you stole my life! | Bandera

Kris: Ang ninakawan special child at isang 11 years old… and you stole my life!

Ervin Santiago - January 16, 2019 - 01:44 PM

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSHUA

“ANG ninakawan ay isang special child at isang 11 years old!” Yan ang ipinagdiinan ni Kris Aquino na may kaugnayan pa rin sa kasong isinampa niya laban sa dating business partner.

Muling humarap sa madlang pipol ang Queen Of All Media sa pamamagitan ng Instagram Live para ibandera ang iba pang detalye sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon na may konek sa diumano’y panloloko sa kanya ni Nicko Falcis.

Nagsalita si Kris matapos kumalat ang audio recording na naglalaman ng pag-uusap nila ni Nicko Falcis kung saan nga naganap ang sinasabing paninigaw at pagbabanta ni Tetay sa buhay ng dating partner sa KCA Productions.

Dito rin ibinuking ng mommy nina Joshua at Bimby na posibleng may “big political powers” na nasa likod ng kampo ni Nicko Falcis na ang nais mangyari ay ibagsak siya ngayong alam na ng lahat ang kanyang mga sakit.

Sinimulan ni Kris ang kanyang mahabang pahayag sa pagso-sorry sa kanyang mga ate na nadadamay sa isyung kinasasangkutan niya ngayon. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Sa kabila raw ng mga pinagdaraanan niya ngayon, hindi niya hahayaang magtagumpay si Nicko sa binabalak nito, “You’re not going to kill me. Someone more important deserves that privilege.”

Kasunod nito, muling inungkat ni Kris ang tungkol sa kanyang P40 million, “Ayaw ibigay sa akin. Yun lang naman ang hinigi ng lawyers ko, ibigay sa akin yung transfer para mailagay sa pangalan nu’ng mga bata. Ganoon ka-selfish, pera ko ‘yun, perang pinaghirapan, tax-paid ayaw ibigay.”

Talaga raw hindi niya isinama ang nasabing halaga sa kasong isinampa niya laban kay Falcis, “Kung alam n’yo ang legalities, hindi n’yo nilalagay sa kaso dahil you want to recover that money. It’s now January, 2019. He waited 110 days. Kung grave threats talaga ’yon, the very next day, sana kinasuhan mo na ako.”

Muli, humingi siya ng paumanhin sa mga na-offend sa mga nasabi niya sa dating business partner, “Nagkamali ako sa simula, and inaamin ko ‘yon, and I apologize. Nagkamali ako dahil sa tindi ng galit ko, dahil noong panahon na ‘yon—I’ll put everything into context—my son was breaking down, because he knew kung gaano ka-serious ang autoimmune disease.

“He knew also kung gaano katindi ang allergies ng nanay niya, that’s why we came here (Singapore) para malaman natin kung may chance ba para malabanan pa. If you see your 11-year-old son breaking down, hindi ka ba magagalit?” pahayag ni Kris.

Pagpapatuloy pa ng Social Media Queen, “Nagnakaw ka. Give me a break. Buhay ko ang kinuha niya. You stole my money it’s not enough for you. You also stole my life and now you’re stealing me from my children.”

Hindi rin daw niya magawang maawa rito dahil, “Ang ninakawan ay isang special child who will never be able to earn a living for himself at ang ninakawan isang 11 years old (Joshua at Bimby).

“Why am I blaming it on him? Because six months prior to that, I was okay. Do the research. Autoimmune can stay dormant, but any stressful situation, lalabas ‘yan. Kahit sinong doktor, sasabihin ‘yan. Kung galit ako, karapatan ko ‘yon, kasi buhay ko ang kinuha niya,” say pa ni Kris.

Sa huli, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng problemang kinakaharap niya, “I want to say thank you again. At the very worst, when you only heard their side, you still believed in me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I apologize that I let anger get the better of me. But it’s not going to happen again. Kasi now I know, hindi na sa phone, diretso na,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending