‘KMJS’ ni Jessica Soho No.1 tv program sa Pinas; Pepito, Daddy’s Girl umarangkada

By Jun Nardo January 12,2019
share this

‘KMJS’ ni Jessica Soho No.1 tv program sa Pinas; Pepito, Daddy’s Girl umarangkada

By Jun Nardo January 12,2019
share this


NAPATAOB ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin bilang number one program sa buong bansa ngayon, ayon sa Dec. 23-29 at Dec. 31- Jan. 6, 2019 , base sa inilabas na data ng Nielsen.

Institusyon na ang magazine show ni Jessica Soho na tuwing linggo ay laging nasa top trending topic ng Twitter at umaani ng milyun-milyong likes and comments sa Facebook at Instagram.

Samantala, ang GMA Network naman ay hindi matalu-talo sa Mega Manila. Sa inilabas na top-rating programs ng Nielsen TV Audience Measurement, 25 sa 30 programs ng Kapuso Network ang nakapasok.

Ang first 12 spots ay nasungkit ng GMA at nangunguna nga rito ang KMJS na sinundan ng Pepito Manaloto, Daddy’s Gurl, Magpakailanman, 24 Oras, Onanay at iba pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending