Negosyante arestado matapos ang road rage sa Marikina City
NAARESTO ng pulis ang isang negosyante matapos umanong hampasin ng baril ang isang nagmomotorsiklo matapos ang nangyaring insidente ng road rage sa Marikina City noong Martes.
Sinabi ng Eastern Police District nakatanggap ang isang miyembro ng Marikina Police Station mula sa isang traffic enforcer na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang motorista sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa Barangay Barangka.
Rumesponde ang mga pulis kung saan sinabi ng nagmomotorsiklo na si Norberto Tadena na binangga ng isang Toyota Innova na minamaneho ng isang Gary Onza ang kanyang sasakyan.
Idinagdag ni Tadena na lumabas si Onza sa kanyang sasakyan at inilabas ang kanyang baril at ipinalo sa kanyang mukha.
Pinagbantaan pa umano siyang papatayin ng negosyante.
Inaresto ng mga pulis si Onza at nakumpiska mula sa kanya ang isang Bersa Thunder .380 pistol na may apat na bala at magazine.
Nadiskubre rin ng mga otoridad na paso na ang lisensiya ng baril noon pang Setyembre 24, 2016.
Kakasuhan ang suspek ng grave threat, physical injury, at illegal possession of a firearm, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.