Kagawad, misis kinatay ng mga kaanak | Bandera

Kagawad, misis kinatay ng mga kaanak

John Roson |December 13,2018
facebook
share this

Kagawad, misis kinatay ng mga kaanak

John Roson - December 13, 2018 - 05:33 PM

NASAWI ang isang barangay kagawad at kanyang kinakasama nang pagbabarilin at pagtatagain ng kanilang mga kaanak sa kanilang bahay sa Sta. Fe, Romblon, Huwebes ng umaga.

Agad ikinasawi ni Brgy. Magsaysay kagawad Danilo Jungay, 59, at kinakasama niyang si Christina Ferrera, 56, ang mga tama ng bala at taga sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.

Naganap ang insidente sa bahay ng dalawa sa Sitio Ilaya, Brgy. Magsaysay, dakong alas-6:30.

Pinasok ng 18-anyos na si Lester Jungay ang bakuran ng mag-asawa at doon sila pinagbabaril, ani Tolentino.

Kasunod nito’y pinagtataga hanggang sa mapatay ni Ramil Jungay, 36, si Ferrera.

Sinubukan namang tumakbo ng sugatang si Danilo patungo sa bahay, pero sinundan at pinagtataga siya hanggang sa mapatay ni Raigor Jungay, 40, isang security guard.

Naaresto ng lokal na pulisya sina Lester, Ramil, Raigor, at isang Nelson Jungay, kapatid ni Danilo at sinasabing kabilang din sa mga sumugod sa bahay ng mga biktima, ani Tolentino.

Pinaghahanap pa ang public school teacher na si Razel Jungay, na sangkot din diumano sa insidente, aniya.

Napag-alaman sa pagtatanong kay Lester na away sa lupa ang pinag-ugatan ng insidente, ani Tolentino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending