Binay: Pag-uugnay sa Jollibee, McDonald sa Duterte ouster dapat ikaalarma | Bandera

Binay: Pag-uugnay sa Jollibee, McDonald sa Duterte ouster dapat ikaalarma

- December 11, 2018 - 01:48 PM

SINABI ni Sen. Nancy Binay na dapat ikaalarma ang pag-uugnay sa Jollibee, McDonald at iba pang personalidad sa umano’y planong destabilisasyon laban Pangulong Duterte.

Idinagdag ni Binay na nagpapakita rin ito ng “sorry state of government’s intelligence”. 

Ito’y matapos namang maglabas si presidential son at dating Davao City vice mayor Davao City vice mayor Paolo Duterte ng listahan ng umano’y mga personalidad at kompanya na umano’y sangkot sa tangkang coup d’etat laban kay Duterte.

“Naaawa ako doon sa agency na nagbigay ng intel report kay vice mayor. Sa tingin ko, kailangan silang tulungan para mai-improve naman ang kanilang level of intel capabilities,” sabi ni Binay.

Bukod sa Jollibee, McDonald’s, iniugnay din ni Duterte sina Vice President Leni Robredo at Associate Justice Antonio Carpio.

“Kapag kasama na si Jollibee, McDonald’s at mutants sa destabilization plot, it’s a cause for alarm. It means our country is already in grave danger,” dagdag ni Binay.

Sinabi ni Binay na hindi katanggap-tanggap ang ganitong balita gayong bilyon-bilyon ang pondo na inilalaan sa intelligence.

“Clearly, meron misinformation and disinformation. Sa ibang bansa, accountability is a serious matter. Kung kaya, gusto namin malaman kung anong agency ang nag-release ng intel para matingnan namin kung kailangan dagdagan ang kanilang budget to improve their infrastructure and logistics,” ayon pa kay Binay.

“Pero kung malaki na ang budget nila and their ineptness is obvious, perhaps we need to cut down their budget at ilagay na lang ang pondo sa mas may pakinabang ang taumbayan,” sabi pa ni Binay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending