Diego Loyzaga nagtangka raw magpakamatay, naglaslas ng pulso?

By Reggee Bonoan November 08,2018
share this

Diego Loyzaga nagtangka raw magpakamatay, naglaslas ng pulso?

By Reggee Bonoan November 08,2018
share this

KUMALAT ngayong araw ang balitang nagtangka diumanong magpakamatay ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga.

Nag-ugat ito sa blind item na ipinost sa Facebook ng TV5 reporter na si Laila Chikadora.

“Young actor of showbiz blood commits suicide.

“Slashes neck and wrists with a swiss knife.

“He is in a hospital somewhere in QC now; conscious.

“Please don’t let your inner demons win. I will pray for you.” ‘Yan ang nakakabahalang FB post ni Laila.

Kanya-kanya nang hula ang mga netizens kung sino nga ba ang nasabing young actor na hindi na nakaya ang mag dinadalang problema kaya nagtangka na itong mag-suicide.

Hanggang sa lumutang na nga ang pangalan ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano. Nagtawag agad kami para kumpirmahin ang balita. Ayon sa isa naming source, gamit ang isang swiss knife, hiniwa ng binata ang kanyang leeg at naglaslas ng pulso.

Galing daw sa taping ng Los Bastardos ang aktor nitong Martes at pag-uwi raw ng bahay saka naganap ang insidente.

“Tumawag agad ng paramedics ‘yung mga kasama ni Diego sa bahay for first aid saka dinala sa St. Lukes Hospital, (Quezon City),” ang sabi sa amin ng taong may kuneksyon sa aktor.

Isang kilalang actor-singer ang sinasabing nasa bahay nina Diego at nakasaksi sa mga nangyari pero nakiusap ang aming source na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan dahil baka ayaw din nitong madamay.

“Tumulong naman si ____ (singer-actor), umalalay siya,” sabi sa amin.

Sabi pa ng aming kausap, “Kapag tumawag ka sa St. Lukes, recorded na ang sagot na respect the privacy of the family.”

Isang maikling text message naman ang tugon sa amin ng publicity head ng Star Magic na si Thess Gubi na siyang nangangalaga sa career ni Diego, “Star Magic Statement: Diego and family are doing fine. And are requesting for privacy. Thank you.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa pamilya ni Diego at hindi pa rin nagsasalita tungkol dito sina Teresa at Cesar. Bukas ang pahinang ito para sa kanilang paliwanag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending