Xander Ford paikut-ikot na lang sa mall, bumalik na ang dating itsura

By Cristy Fermin November 07,2018
share this

Xander Ford paikut-ikot na lang sa mall, bumalik na ang dating itsura

By Cristy Fermin November 07,2018
share this

XANDER FORD

May grupong nakakita sa isang mall sa retokadong maangas na personalidad na si Xander Ford. Wala na ang kanyang mga alipores na palaging nakapalibot sa kanya nu’ng kaliwa’t kanan ang kanyang mga interview.

Nag-iisa na lang siya ngayon, parang bumalik na sa dati ang kanyang itsura, at mukhang wala nang kadatung-datung ang may kayabangang personalidad.

Kuwento ng isang miron na nakakita sa kanya, “Nakakaawa na ang itsura niya, paikut-ikot siya sa mall, kami lang yata ng mga friends ko ang nakapansin sa kanya.

“Nag-iisa na lang siya, hindi gaya nu’n na ang dami-dami niyang kasamang mga alipores niya, iniwan na yata siya ng mga amuyong niya dahil wala namang nangyari sa career niya!

“Inuna naman kasi ng lalaking ‘yun ang kayabangan, nagkaroon agad siya ng feeling na sisikat talaga siya, kaya nauna na ang kaangasan niya. Anyare sa career niya?

“Hindi nga siya puwedeng tawaging laos na, kasi nga, hindi naman siya sumikat! Naging curious lang naman sa kanya ang mga tao dahil sa pagbubuyangyang niya ng dati niyang itsura na binago ng siyensiya!” madiing kuwento ng aming source.

Very well said.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending