Nanloko kay Kris kung anu-ano pang fake news ang ipinakalat

By Cristy Fermin October 16,2018
share this

Nanloko kay Kris kung anu-ano pang fake news ang ipinakalat

By Cristy Fermin October 16,2018
share this

MAHABA-habang proseso pa ang pagdadaanan ng kasong ihinain ni Kris Aquino laban sa business partner niyang tumangay sa malaking halaga ng pinaghirapan niyang pera.
Ayon kay Kris ay hindi na sana sila aabot pa sa ganitong estado, binigyan ng panahon ng kanyang mga abogado ang tinutukoy niyang tao, pero hindi nakipag-usap sa kanila ito.
Sa halip ay kung anu-ano pang mga salita ang pinaiikot nito na ayon kay Kris ay puro imbento lang naman at kasinungalingan. Qualified theft ang pinaglalabanan nilang kaso ngayon sa piskalya ng Kyusi.
Dahil sa nangyari ay bumagsak ang katawan ni Kris, malaking timbang niya ang nawala, kakambal ang matinding pag-atake ng allergies.
Komento ng kaibigan naming propesor, “Tayo nga, mawalan lang ng kahit maliit na halaga lang, e, hindi na mapakali! Hindi na tayo makatulog sa inis, sa pagsisisi kung bakit tayo nagtiwala sa taong nangwalanghiya sa atin, di ba?
“‘Yun pa kayang mawalan tayo nang milyones, grabe ‘yun, talagang wasak ang buhay natin kapag ganu’n, lalo na’t pinaghirapan natin nang maraming taon ang halagang ‘yun!” sabi ni prop.
Oo nga naman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending