'Dapat lang bawiin ni Kris ang milyones na ninakaw sa kanya!' | Bandera

‘Dapat lang bawiin ni Kris ang milyones na ninakaw sa kanya!’

Cristy Fermin - September 29, 2018 - 12:30 AM

KRIS AQUINO

Napakaraming nakikisimpatya kay Kris Aquino sa pinagdadaanan niyang problema ngayon. Sa buong karera ng aktres-TV host ay ngayon lang siya naringgan ng publiko na naglalabas ng emosyon tungkol sa ginawang pangtatraydor sa kanya ng isang taong binigyan niya nang isandaang porsiyento ng pagtitiwala.

Ngayon lang. Walang kuwento nu’n na tumutukoy sa pagnanakaw ng anumang pag-aari niya, lalo na ng pera, ngayon lang siya nabiktima ng nakawan.

Milyonarya man si Kris ay ibang usapan na ‘yun. Napakasakit para sa isang tulad niya na hindi na kailangan pang magtrabaho pero nagsisikap pa rin ang naganap.

Kanya ‘yun, pinaghirapan niyang milyones ang nawala, hindi lang sa bulsa ‘yun masakit kundi pati sa kanyang damdamin dahil ipinagkatiwala niya ang malaking halagang ‘yun sa isang staff niya na ni guni-guni ng pagdududa mula sa kanya ay wala.

Bumagsak ang kanyang timbang, sobra siyang naapektuhan, totoo namang napakasakit mawalan ng halagang pinaghirapan natin nang napakatagal na panahon.

Ipinauubaya na ni Kris Aquino ang kanyang problema sa mga abogado niya. Wala silang binabanggit na pangalan ng taong nagkanulo sa kanyang pagtitiwala pero may mga lumalabas nang kuwento tungkol sa taong hinahabol niya ngayon.

Hindi katwiran ang mayaman naman si Kris at maliit na halaga lang ang nawala sa kanya kung tutuusin. Hindi ‘yun ang punto.

Pera niya ‘yun, pinagtrabahuhan niyang halaga na nakalaan para sa kanyang mga anak, kaya karapat-dapat lang niyang bawiin ang nawala sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending