Horoscope, September 13, 2018

By Madam Sophia September 13,2018
share this

Horoscope, September 13, 2018

By Madam Sophia September 13,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang pera. Hindi masamang mamigay, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagpakitaan ng sobrang kabaitan, ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Tuloy-tuloy ang dating ng suwerte sa iyong buhay basta’t patuloy ka lang na manalig sa iyong kakayahan. Sa pinansyal, maging mabait sa iyong mga kasama, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Venus ang ruling planet ng Taurus. Ibig sabihin basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig sasagana at liligaya ang pamumuhay. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Pink at maroon ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Dahan-dahan lang ang dapat upang hindi madupilas ng diskarte. Wag nang ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil sa pagmamadali. Sa pinansyal sa unti-unting pag-iipon ng pera yayaman ka. Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Para magkaroon ng kasuyo laging magsuot ng kulay na green. Sa pinansyal, green din ang hihigop ng positibong kapalarang may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag makinig sa mga intriga. Sa isang maling balita may pagsubok na darating. Sa pera at relasyon, sa panahon ngayon marami talagang problema, kaya dapat kang magpakatatag. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tumulong sa mga nangangailangan, upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Talagang mabilis maubos ang pera. Ilunsad mo na ngayong ang operation malawakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid din sila. Sa ganyang paraan mas madaling uunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig upang magtuloy-tuloy ang li-gaya, panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Sa pinansyal, hindi dapat gumasta ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Silver at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Anumang kilos ang gawin mo sa ngayon, sa tagumpay at ligaya pa rin hahantong ang lahat. Kaya naman ang pagpapasalamat sa itaas ay laging ipatupad, upang tuloy-tuloy pa ring mapasa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om”. Green at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Taurus sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe at pagkatapos ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Magenta at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mahihirapan kang mag-desisyon dahil may isang kaibigan na naman ang lalapit upang mangutang. Piliin lang ang mga papautangin, – silang may kakayahang magbayad. Sa pag-ibig, ipatago ang natitira pang pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Sa sarili mong diskarte kayang-kaya mo namang umunlad at lumigaya. Ito ang panahong dapat ka ng kumilos ng matindi ngayon. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” White at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending