Dugyuting aktor sipunin pa rin, pati ubo hindi gumaling-galing; kadiri ang kuko | Bandera

Dugyuting aktor sipunin pa rin, pati ubo hindi gumaling-galing; kadiri ang kuko

Cristy Fermin - September 11, 2018 - 12:15 AM


NAKATANDAAN na ng isang kilalang male personality ang pagiging pabaya sa kanyang katawan.

Madalas siyang bumida sa mga blind items pero mukhang hindi siya nagbabasa kaya hindi niya alam na siya ang tinutukoy na artistang marumi sa katawan.

Mula nu’n hanggang ngayon ay pabaya sa kanyang personal hygiene ang aktor, palagi siyang may sipon, may ubo pa na walang pinipiling lugar para pumutok. Wala kayang gumagabay sa kanya?

Kuwento ng aming source, “Walang pagbabago sa katawan niya. Gaya pa rin siya nu’n na palaging nakalilimot gumamit ng nailcutter, kaya mahahaba ang nails niya. Okey lang sana kung basta mahaba lang, kaso, parang lagi siyang galing sa taping o shooting na magbubukid ang role na ginagampanan niya.

“Maraming dumi ang mga kuko niya, para siyang naglulupa, talagang hindi siya malinis sa katawan, pabaya siya,” unang chika ng aming impormante.

Nu’ng hindi sinasadyang makita ng isang grupo ng mga reporters ang kilalang male personality ay nag-apiran na lang sila pagtalikod ng aktor na impernes ay bumati naman sa kanila.

“Ma-PR naman ang lalaking ‘yun, hindi siya suplado, marunong siyang bumati kapag nakikita niya ang mga reporters. Napansin lang ng tropa na hanggang ngayon, e, sipunin pa rin siya.

“Bakit kaya ayaw siyang iwanan ng ubo at sipon, e, napakarami namang gamot sa merkado kung saan siya puwedeng bumili para gumaling ang ubo at sipon niya?

“Gaya pa rin siya nang dati na singhot nang singhot, ubo siya nang ubo na pumuputok pa, malaki naman ang kinikita niya, palagi naman siyang may serye, kaya bakit tinitipid niya ang sarili niya?

“Kundi man siya makapunta sa parlor para magpa-manicure-pedicure, e, di sana, siya na lang ang gumupit muna sa kuko niya? Ilang minuto lang namang gawin ang ganu’n, wala ba siyang panahon para gawin ‘yun?

“Ganu’n pa rin ang clue na maibibigay tungkol sa male personality na walang kaalaga-alaga sa katawan niya. Kaapelyido niya ang isang bayan sa bandang South na dating pinamunuan ng isang pamosong female personality,” pagtatapos na chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending