Male star na tatakbo sa 2019 nagpaparamdam na
WITH bated breath ay nakaantabay ang taumbayan sa 12-man senatorial lineup ng oposisyon, ang LP. Nai-release na kasi ang mga pambato ng administrasyon.
At a recent showbiz gathering, agaw-pansin ang super mega-PR to the max ng isang panauhing aktor sa dumalong press. Niluluksuhan niya ang bawat mesa with the perfunctory beso-beso.
Matagal nang balitang tatakbo siya sa Senado sa ilalim ng kabilang partido, but the oft-asked question ay laging sinasalag ng aktor. Pwede naman daw siyang tumulong kahit wala siyang posisyon sa gobyerno.
Kung sa mga project ay hindi naman siya nawawalan. Pero dala na rin ng edad ay hindi na ganu’n kadaling hanapan siya ng trabaho.
Hindi naman din kasi siya puwedeng mag-second lead what with his “royal title” even if his star has slightly lost its brightness. Pero nitong mga huling projects na ginawa niya, mukhang napatunayag hindi na nga ganu’n kaningning ang kanyang bituin.
Teka, sandali lang, may nag-door bell.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.