Du30 handang mag-resign kung magiging ang kapalit ay si BongBong o si Chiz
SINABI ni Pangulong Duterte na nakahanda siyang magbitiw sa katungkulan kung isa kina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sen. Francis “Chiz” Escudero ang papalit sa kanya.
“But sinabi ko, I think deep in my heart, if you follow the succession and Robredo takes over, hindi niya kaya. Mas mag lalo … Hindi niya kaya, that’s my honest opinion ko lang. Kung na sino lang sana diyan, in the likes of Escudero or Bongbong Marcos, but si…,” sabi ni Duterte matapos ang isang dinner sa mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa Malacanang, Martes ng gabi.
Iginiit naman niya na wala naman siyang galit kay Vice President Leni Robredo
“Now the reason why I cannot tell you why that we follow the constitutional succession is this: wala akong galit kay Robredo. Panalo na ako. Hindi ako nakikipag-away ng babae. Hindi nga ako sumasagot kung ano ang sinasabi nila,” giit ni Duterte.
Binanatan naman ni Duterte ang talamak na iligal na droga sa Naga City.
“I know at the time, for several years, I don’t want to mention names, Naga was the cradle of civilization. And it was there. And you can ask the Naga guys and the Naga addicts… I’m not saying… but look at Davao,” ayon kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.