Kilalang veteran actress malilimutin na, paulit-ulit ang mga tanong | Bandera

Kilalang veteran actress malilimutin na, paulit-ulit ang mga tanong

Ronnie Carrasco III - August 13, 2018 - 12:15 AM

MAGEGETS no ‘to tiyak!

May edad na rin kung tutuusin ang aming source na kamakailan ay um-attend ng isang bertdeyan. Lima sa mahigit isang dosenang panauhin doon ay mga veteran stars na.

Ayon sa aming source, nakakatuwa raw pagmasdan ang mga 50s-60s stars na nakukuha pang mag-bonding sa kabila ng kanilang edad o trabaho (may aktibo pa rin kasi sa showbiz ang ilan sa kanila).

Isa roon—na ang malimit na ginagampanang papel ay kaawa-awang ina o lola—ang nakasama ng aming source sa mesa. Mabait nga raw talaga ang beteranang aktres na ‘yon sa likod ng camera.

“Pero ang kulit, paulit-ulit,” sey ng aming source.

Hindi lang kasi silang dalawa occupied the same table, they shared it with other senior stars. Ganito tumakbo ang kanilang tsikahan habang ninanamnam ang mga handang pagkain.

Veteran actress: Eh, kumusta naman ang bahay mo, tapos?

My source: Opo, pero tinatapos na lang ‘yung driveway.

Lumipas ang tatlong minuto.

VA: Eh, kumusta na nga pala ‘yung bahay mo?

MS: Tapos na po. Driveway na lang po ang ginagawa.

Another three minutes passed. ‘Yun pa rin ang tanong ng kateybol na beteranong aktres, kaya ‘yun pa rin ang sagot ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey namin sa source ng kuwento, nasa liyebo otsenta o magnonobenta na ang aniya’y makulit na aktres. Wait till we reach her age.

Ang tanong, aabutin pa ba natin ang edad na ‘yon? “Edad,” sounds like her name which is a Spanish word.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending