Puno ng balete sa Malacanang ginawang CR ng mga pulis na iniharap kay Du30 | Bandera

Puno ng balete sa Malacanang ginawang CR ng mga pulis na iniharap kay Du30

- August 09, 2018 - 03:07 PM

NILAPASTANGAN ng mga may kasong pulis na iniharap kay Pangulong Duterte noong Martes ang isang puno ng balete sa loob Malacanang matapos namang gawin itong CR at salitang inihian. 

Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatakda nitong imbestigahan ang ulat na umihi sa isang puno ng balete ang ilan sa mga minura at pinagbantaang papatayin ni Duterte.

“We will initiate investigation on this matter,” sabi ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.

Idinagdag ni Eleazar, 87 sa 102 pulis na kinastigo ni Duterte sa kanilang pagkakasangkot sa mga krimen, kabilang na kidnapping at iligal na droga, mula sa Metro Manila.

“We will ask the officers who were there para malaman namin kung sino ‘yung mga nandon,” ayon pa kay Eleazar.

Kinondena rin ni Eleazar ang pinakahuling kontrobersiya laban sa kapulisan.

“Meron talagang mga bugok sa aming hanay na hindi namin tino-tolerate,” ayon pa kay Eleazar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending