Kris headline uli sa lahat ng tabloid, upak dito…upak doon
MARAMING nag-akala na ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang makakasama ni Kris Aquino sa pagbabalik-pelikula niya sa Star Cinema.
Kailangang may kasamang sikat na loveteam si Kris, hindi susugal ang produksiyon na siya lang ang pambenta, kailangang meron siyang kasamang may malakas na panghatak sa takilya.
Ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang makakasama ni Kris, parang sa pagbabalik-pelikula rin ni Sharon Cuneta, ang kontrobersiyal na loveteam ang sumalang na kasama ang Megastar.
Natural lang na pumayag si Kris na kasama ang loveteam, ang tambalan ang kakaway sa manonood para pilahan ang kanilang proyekto, parang nagsisimula na naman kasi sa zero si Kris ngayon.
Sa pagpirma pa lang niya ng kontrata ay isinabay na ang story conference, masayang-masaya si Kris, pero hindi ‘yun ang pinag-usapan kundi ang walang kamatayan niyang pag-upak kay James Yap na ama ng kanyang bunsong si Bimby.
Headline sa lahat ng tabloids si Kris, pero hindi ang kanyang proyekto ang napagtuunan ng pansin, kundi ang matitindi niyang banat sa nananahimik na si James Yap.
Sabi ni prop, “Wrong timing!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.