Master plan para sa Boracay ipi-presenta na ng Task Force
NAKATAKDANG i-presenta sa Marso 15 ng inter-agency task force ang isang komprehensibong master plan para sa Boracay Island na naglalayong papanagutin ang mga establisyemento na lumalabag sa mga environmental laws.
Sinabi ni Assistant Secretary Frederick Alegre, spokesperson ng Department of Tourism, na makikipagpulong din sina Environment Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at Interior Secretary Eduardo Año na makikipagpulong sila kay architect at urban planner Felino Palafox Jr. kaugnay ng master plan.
Idinagdag ni Alegre na irerekomenda ng inter-agency task force kay Pangulong Duterte ang state of calamity sa Boracay, na susundan ng shutdown nito.
Target ng DOT at Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 na araw na shutdown ng Boracay mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 31 para sa demolisyon ng mga iligal na istraktura at iba pang aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.