2 Kapuso tween stars may gustong patunayan kay Regine
MAY mga bagets na magpapakitang-gilas sa bahay ni Regine Velasquez ngayong umaga sa favorite tambayan ng lahat, ang Sarap Diva sa GMA 7.
Samahan ang mga talentadong Kapuso tween stars na sina Jillian Ward at Caprice Cayetano sa pagbisita nila sa Sarap Diva at alamin kung mai-impress nila ang Asia’s Songbird sa kanilang kitchen skills, lalo na sa paggawa ng homemade ice cream.
Bukod diyan, ka-join din sa espesyal na episode na ito ng SD ang mga bida ng weekly series na Sirkus, ang gumaganap na kambal na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales.
Abangan ang kanilang singing showdown na first time nilang gagawin on national TV.
Music, laughter and good food, ‘yan ang hatid ng Sarap Diva ngayong Saturday morning sa GMA pagkatapos ng weekly drana series na Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.