Paglilitis kay ex-PNoy di itinuloy ng Sandigan
IPINAGPALIBAN ng Sandiganbayan Fourth Division ang pagdinig sa mga kasong kriminal laban kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay sa Mamasapano incident.
“(T)his Court thus, HOLDS IN ABEYANCE the arraignment and pretrial it tentatively set on February 15, 2018, with respect to Aquino, Purisima and Napenas,” saad ng isang pahinang desisyon ng korte.
Kasama ni Aquino sa kaso si dating PNP Chief Alan Purisima at dating Special Action Force chief Getulio Napenas. Sila ay nahaharap sa mga kasong graft at usurpation of official function.
Inilabas ng Sandiganbayan ang desisyon matapos na magpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema batay sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida na dapat ay mas mabigat ang kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ng Ombudsman.
Ang kaso ay nag-ugat sa lihim na operasyon ng SAF laban sa Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF.
Follow us on Facebook: inquirerbandera Twitter: @banderainquirer Instagram: banderainquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.