2 kilalang veteran singer tumandang magkaaway, ayaw magbati
HANGGANG ngayon pala sa kabila ng kanilang pagkakaedad, ay kontra-pelo pa rin ang dalawang popular na lalaking musikero. Hindi pa rin sila nagkikita nang mata-sa-mata, palagi silang nagpaparinigan, walang makapagpabati sa kanilang dalawa.
Nagsimula pala ang lahat nu’ng kasagsagan ng kanilang kasikatan, pareho silang may hawak na titulo, kaya nagkakaagawan sila ng bentahan ng kanilang mga produktong plaka.
Kuwento ng isang may edad na ring musikero, “Naku, sa tanda na nilang ‘yan, dapat, e, magkaintindihan na sila! Ano ‘yan, babaunin nila ang inis sa isa’t isa hanggang sa huling hantungan nila?
“Hindi na sila bumabata, may mga uban na sila, hindi na bagay sa mga katulad nila ang magkaroon pa ng ego at pride, matatanda na sila!” natatawang komento ng aming source.
Nu’ng kaitaasan ng kanilang music career ay naglalaban sa chart ang kanilang mga piyesa. In fairness, pareho naman silang sikat at tinangkilik talaga ng mga kababayan natin ang kanilang mga kanta, kaya parang sila ang mga manok na pinagsabong nu’ng kanilang kapanahunan.
“Kapag kinausap mo si Singer A, may kuda pa rin siya laban kay Singer B. Kapag ‘yung isa naman ang kinausap mo, marami pa rin siyang sinasabi against kay Singer A.
“Ilang dekada na ang nakararaan, pero hanggang ngayon, ganyan pa rin ang pagtatratuhan nila? Ano ba naman ‘yan? Tapos na ang panahon nila, although nand’yan pa rin naman sila hanggang ngayon, pero hindi pa rin sila magkasundo?
“Naku, ang dami-dami nang namagitan sa kanila, pero bigo ang lahat, ayaw talaga nilang ayusin ang mga intriga nu’ng pareho pa silang sikat na sikat. Makakatandaan na nila ‘yun!
“Pakantahin na lang kaya natin sila nang halinhinan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Si Singer A, pakantahin natin ng Eternally, si Singer B naman, ipakanta natin sa kanya ang Anak!” pagtatapos ng napapailing naming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.