Desisyon ng SC sa MRT hinihintay | Bandera

Desisyon ng SC sa MRT hinihintay

Leifbilly Begas - January 28, 2018 - 03:36 PM

MRT

Nanawagan ang isang solon sa Korte Suprema na maglabas na ang desisyon sa inihain nitong petisyon noong 2015 kaugnay ng Metro Rail Transit 3.

    Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate patuloy na lumalala ang kondisyon ng MRT 3 at noong Biyernes ay umusok pa ito kaya pinababa ang mga pasahero na naglakad sa riles.     Noong Nobyembre ay naghain ng mosyon ang Bayan Muna sa SC upang resolbahin na ang kanilang petisyon noong 2015.     “Ang laman ng motion to resolve ay 1.) paglabas ng Korte Suprema ng TRO sa ginawang MRT/LRT fare hike; 2.)pagbalik sa dati ng singil sa MRT/LRT; 3) pag-refund sa nakolektang fare hike mula 2015 dahil hindi naman gumanda ang serbisyo at mas lumala pa nga,” ani Zarate.     Humingi ng paumanhin ang Department of Transportation sa pagkasira ng mga tren ng MRT 3.     “The DOTr expresses sincere apologies to those who were affected and inconvenienced by the recent smoke incident that occurred Friday in one of MRT-3’s trains.”     Nagsasagawa ng fault analysis ang MRT 3 Management at sinabi ng DoTr na kanilang isasapubliko ang resulta nito.     “The DOTr appeals to the riding public’s understanding while it pushes ahead, in the most expeditious manner, strategies and actions to effectively and sustainably restore and rehabilitate the current MRT-3 system—a system that has deteriorated due to cumulative errors in policy and operational decisions made across several administrations.”
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending