Kontrobersyal na aktor ipinagpalit daw ang girlfriend sa maimpluwensyang beki | Bandera

Kontrobersyal na aktor ipinagpalit daw ang girlfriend sa maimpluwensyang beki

Cristy Fermin |January 26,2018
facebook
share this

Kontrobersyal na aktor ipinagpalit daw ang girlfriend sa maimpluwensyang beki

Cristy Fermin - January 26, 2018 - 12:10 AM

DAHIL kilala na ngayon ang isang male personality at nagmamarka na ang kanyang mga ginagawang proyekto ay paborito na rin siyang igawa ng kung anu-anong isyu ngayon.

Kung dati’y pagganap lang niya ang pinagpipistahan, ngayon ay damay na rin ang kanyang personal na buhay, kinakalampag na rin ang pananahimik ng magaling umarteng aktor.

Kuwento ng isang source, “Di ba, nagkahiwalay na sila ng girlfriend niya nang maraming taon din? Natural, dahil kilala na nga siya ngayon, iba-ibang kuwento na ang naglalabasan tungkol sa break-up nila.

“Kesyo may third wheel na raw kasi sa relasyon nila, meron daw isang female personality sa isang project si ____ (pangalan ng male personality) na napalapit sa kanya.

“Hindi pa raw lumalabas ang kuwento dahil ang gusto ng girl, e, linisin niya muna ang bakuran niya, meaning, makipag-break muna siya sa girlfriend niya. Kapag okay na raw ang personal life ng male personality, e, saka pa lang sila aamin na sila na nga,” simulang kuwento ng aming impormante.

Isang anggulo pa lang ‘yun, meron pang iba, pinagpipistahan din ngayon ang kuwentong meron daw becking backer sa kanyang network ang male personality.

“Kilala na nga siya, marami na kasing kuwentong idinidikit sa kanya ngayon, marami nang pumapansin sa mga decisions niya. Meron ding istorya na ewan kung totoo o imbento lang tungkol sa isang becking may say sa isang network na tumutulong talaga sa kanya.

“Hindi raw totoong girl ang dahilan ng break-up nila ng long time girlfriend niya, becki raw, ‘yun daw ang may malaking itinutulong ngayon sa career niya. Sila raw ngayon kaya ang dami-daming projects ni male personality sa network.

“Nakakaloka! Kung totoo ‘yun, e, ipinagpalit nga ng lalaki si girl sa becki at sa career niya! Matagal na kasing nangangarap ng magandang break ang guy pero ngayon lang nangyari ‘yun!

“Naku, kilalang-kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ang galing-galing din kaya niyang magbading-badingan sa TV!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay sa tenth floor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending