250 PUVs huli sa kampanya kontra lumang sasakyan, smoke belchers
MAHIGIT 200 public utility vehicles (PUVs) ang hinuli sa unang araw ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” na kampanya ng gobyerno, ayon sa isang opisyal ng Inter-Agency Council on Traffic Administration (I-ACT).
Sinabi ni Elmer Argaño, head ng I-ACT’s communication and administration na umabot na sa 255 sasakyan ang nahuli kahapon sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (Edsa).
Ayon naman kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, tatlong beses kada araw magsasagawa ng panghuhuli ng mga lumang sasakyan at smoke belchers.
“Aaraw-arawin ho natin ito. Medyo mahirap dahil talaga hong malaki ang Metro Manila, pero kailangan po nating gawin,” sabi ni Orbos.
“Wala itong deadline, walang timetable, gagawin natin ‘yan,” ayon pa kay Orbos.
Idinagdag ni Orbos na papadalhan ng subpoena ang mga nahuling driber para humarap sila sa Land Transportation Office sa loob ng 24 oras para sa isailalim sa inspeksyon ang kanilang mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.