Gun ban, signal jamming, no-fly zone ipapatupad sa Maynila sa Enero 9
INIHAYAG ng Manila Police District (MPD) na magpapatupad ito ng gun ban, signal jamming at no-fly zone sa Maynila sa pista ng Itim Na Nazareno sa Enero 9.
Idinagdag ni MPD Chief Supt. Joel Colonel na hiniling na rin niya sa lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng liquor ban mula Enero 8 hanggang Enero 10.
“Security personnel providing security for the President and Cabinet members and other uniformed personnel are excusedfrom the gun ban,” sabi ni Colonel.
Idinagdag ni Colonel na ipapatupad ang signal jamming sa one-kilometer radius ng andas.
Sinabi Colonel na nakipag-ugnayan na ang MPD sa National Telecommunications Commission (NTC) at telecommunications companies kaugnay ng signal jamming.
“Expect natin yung intermittent signal sa area,” ayon pa kay Coronel.
Nagdeklara rin ng no-fly zone sa buong Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.