Maine balik-Eat Bulaga sa Jan.1; pelikula ng AlDub tuloy sa 2018, pero... Bandera

Maine balik-Eat Bulaga sa Jan.1; pelikula ng AlDub tuloy sa 2018, pero…

Jun Nardo |December 19,2017
share this

Maine balik-Eat Bulaga sa Jan.1; pelikula ng AlDub tuloy sa 2018, pero…

Jun Nardo - December 19, 2017 - 12:05 AM

BABALIK na sa Pilipinas si Maine Mendoza sa Dec. 31, ayon sa manager niyang si Rams David.

Mapapanood na sa Eat Bulaga ang Phenomenal Star sa live episode ng noontime show sa Jan. 1, 2018!

“Definiitely Maine will be back on Eat Bulaga para sa kaalaman ng fans niyang nakaka-miss sa kanya,” pahayag ni Rams.

Sari-saring intriga at tsismis ang kumalat dahil sa open letter na ginawa ni Meng kabilang na ang paglipat niya ng TV Network, pero wala raw katotohanan ang mga ito.

“Napagod lang si Meng so humingi ng break. Naiintindihan naman namin yon. Imagine two years siyang walang pahinga. Sumabak siya sa mundo ng showbiz nang walang kaalam- alam!

“Kaya next year may tatlong endorsements ang waiting sa kanya,” diin pa ni Rams.

Kumusta na ang planong movie para sa kanila ni Alden Richards? “Tuloy pa rin yon. Binago na lang ang concept. Hindi na yung may action. Gusto namin yung maganda talagang story,” chika pa niya.

Samantala ibinalita rin ni Rams na tuloy pa rin hanggang January ang Super Ma’am ni Marian Rivera. Gusto ng GMA na agad masundan ang teleserye ng Kapuso Primetime Queen.

“Gusto nila drama talaga! Pero after Christmas ay may break muna sila ni Dingdong (Dantes),” saad pa ni Rams.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending