Martial law sa Mindanao extended ng 1 year
INAPRUBAHAN ng mga senador at kongresista ang hiling ni Pangulong Duterte na palawigin ng isang taon ang martial law sa Mindanao. Sa botong 240-27, inaprubahan ang House Joint Resolution 13 na nagdedklara na i-extend ang martial law sa Mindanao mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2018. Ang resulta ng botohan sa Senado ay 14-4-0 at sa Kamara ay 226-27-0. Mas mababa ang resulta ng botohan kumpara sa botohan ng unang pinalawig ito ng 150 araw noong Hulyo 23. Ang botohan noon ay 261-18. Pinangunahan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang pagdepensa sa kahilingan ni Estrada. “We do not ask for unlimited martial law. What we are seeking is unlimited peace,” ani Medialdea. “Despite the death of Isnilon Hapilon and Maute fighters, the Daesh-inspired Da’awatul Islamiyah Waliyatul Masriq continue to rebuild their organization through recruitment and conduct financial and logistical build up.” Sinabi ni Medialdea na sinamantala ng New People’s Army na abala ang gobyerno sa pagtugis sa Maute at sinalakay ang ilang sangay ng gobyerno. “It was these atrocities that compelled the President to declare the NDF-CPP-NPA [National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army] as terrorist organization.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.