Nanay ng isang bata kay Garin: Nakakatulog pa ba kayo? | Bandera

Nanay ng isang bata kay Garin: Nakakatulog pa ba kayo?

- December 11, 2017 - 07:20 PM

“Nakakatulog pa ba kayo sa gabi?”

Ito ang tanong ng isang nanay, na kabilang ang anak sa nabakunahan ng Dengvaxia, kay dating Health Secretary Janette Garin matapos magkaharap kahapon sa pagdinig ng Senado kaugnay ng P3.5 bilyong anti-dengue vaccination program.

“Gusto ko pong tanungin si Secretary Garin kung nakakatulog pa ba kayo sa gabi? Kasi kami hindi na,” sabi ni Iris Alpay, na nanggalin pa ng Imus, Cavite.

Kabilang ang anak ni Alpay sa 830,000 batang nabakunahan ng Dengvaxia. Ayon kay Alpay, may karamdaman ngayon ang kanyang anak.

“Ako po ay sobrang na-disappoint dahil mismong ahensya nyo ang nagpahamak sa aking anak,” sabi ni Alpay.
Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na hidi naman konektado ang mga sintomas na nararanasan ng anak ni Alpay sa vaccine.

“Ako po ay tumawag sa kanya nang personal nung narinig ko ang problema nya na maaaring may kinalaman daw yung vaccine. Mukhang ‘di naman ito maiuugnay sa Dengvaxia batay sa mga sintomas na sinabi nya,” sabi ni Duque.

“Pero posible pa rin,” dagdag ni Duque.
Tiniyak ni Duque na ginagawa ng Department of Health (DOH) para mamonitor ang sitwasyon.

“Gusto ko rin hingin sa present DOH kung anong tulong ang pwede nyo magawa para mabawasan ang aming takot at kaba,” dagdag ni Alpay.

“Ine-expect ko po na magkaroon talaga ng information campaign ang gobyerno,” ayon pa kay Alpay.
Hindi naman pinasagot si Garin ng komite sa kabila ng pagtatangka niyang sagutin si Alpay sa pagsasabing hindi pa niya oras para magsalita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending