DU30 hiniling sa Kongreso ang 1-year extension ng martial law sa Mindanao
PORMAL nang hiniling ni Pangulong Duterte sa Kongreso na palawigin pa ng isang taon ipinapatupad na martial law sa Mindanao.
Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na naiparating na sa mga mambabatas ang pagnanais ni Duterte na patagalin pa ang batas militar sa buong Mindanao.
“There is already a letter but I don’t know if delivered already,” sabi ni Medialdea.
Nakatakda namang pormal na isumite bukas ng Palasyo ang sulat ni Duterte sa Kongreso.
Nauna nang inirekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay Duterte ang isang taong palugit ng martial law na nakatakda sanang magtapos sa Disyembre 31, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.