Motorsiklo binabalak ipagbawal sa Edsa | Bandera

Motorsiklo binabalak ipagbawal sa Edsa

- December 09, 2017 - 11:44 AM

PINAG-AARALAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang motorsiklo sa Edsa upang mabawasan ang trapik at mabawasan din ang bilang ng aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo.

Napag-alaman na  inatasan ng  Metro Manila mayors  ang MMDA, na pag-aralan nito ang pagbabawal  sa mga  motorsiklong babagtas  sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, sa  naging pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC), nakikita nilang isa sa mga solusyon  ang pagbabawas ng volume ng motorsiklo sa kalsada, partikular na sa Edsa.

Sa datos ng MMDA, noong 2016 nasa 65,757 bilang ng mga motorsiklo  ang bumabaybay sa EDSA, ikalawa sa grupo ng mga vehikulo na may pinakamaraming bilang.  Nangunguna rito ay ang kotse.

Ayon kay Nebrija, titimbangin nila kung ano ang magiging epekto nito sa mga motorsita lalo na sa mga rider.

“We don’t want to put our biases and let our engineers study it first. We have to get the sentiments of the motorcycle riders,” ani Nebrija.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending