Broken hearted pwedeng mauwi sa heart attack | Bandera

Broken hearted pwedeng mauwi sa heart attack

- November 27, 2017 - 08:00 AM


SABI ng isang kanta, “where do broken hearts go’.

Pero ayon sa isang bagong pag-aaral sa United Kingdom ang mga broken hearted ay dapat na kumonsulta sa doktor dahil ang pait ng damdamin na kanilang nararanasan ay maaaring magresulta sa malalang sakit sa puso, na pwedeng mauwi sa heart attack.

Tinatawag itong broken heart syndrome o takotsubo, ayon sa research na pinondohan ng British Heart Foundation.

Ang takotsubo na sinamahan ng severe emotional stress ay nagreresulta sa paghina ng puso, ayon sa NetDoctor.

Ang takotsubo syndrome ay ang biglaang panghihina ng muscular portion ng puso na sanhi ng emotional stress gaya ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay o kaya ay na-basted ng nililigawan.

Binantayan ng mga mananaliksik mula sa University of Aberdeen ang 37 pasyente na nagkaroon ng takotsubo syndrome sa loob ng dalawang taon. Sa pamamagitan ng serye ng MRI scan at physical exercise test, nakita ang pagkakaparehas ng sintomas ng takotsubo at ng isang tao na nagkaroon ng heart attack.

Ayon sa associate medical doctor ng BHF na si Prof. Jeremy Pearson, noong una ay i-nakala ng mga doktor na madaling gamutin ang taong may takotsubo pero kanilang nadiskubre na mayroon itong pangmatagalang epekto sa pasyente katulad ng mga tao na may mataas na posibilidad na magkaroon ng heart failure.

Sinabi naman ng research head na si Dr. Dana Dawson na ang takotsubo syndrome ay nagiging pangkaraniwang sakit na dahil sa dami ng nagkakaroon nito.

Dapat umano na agarang magamot ang taong may takotsubo syndrome gaya ng pangangailangan ng mga taong may sakit sa puso. At pangmatagalan umano ang gamutan na kailangan ng pasyente dahil sa long term effect nito sa pasyente.

Sinabi ni Dawson na kanila ng pinag-aaralan ang angkop at pinaka epektibong paraan para gamutin ang syndrome na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending