Indie actor arestado sa pambubugbog, pagpatay sa office supervisor
NAKAKULONG ngayon ang indie actor na si Eugene Kiro Tejada, at posibleng maharap sa kasong murder dahil sa pagkakapatay sa isang office supervisor sa loob ng isang supermarket sa San Mateo, Rizal Miyerkules ng gabi.
Si Tejada, na lumabas sa ilang sexually-oriented indie films, ay inaresto ng pulisya matapos siyang ituro ng mga witness sa pagpatay dahil sa matinding pagkakabugbog kay Frenil Bautista, 44, married, isang administrative supervisor sa Beta Equipment Sales Corp, alas-6:22 noong Nov. 22.
Isa sa mga nilabasan ni Tejada, na isa ring negosyante, ang low-budget indie film na “Kubli” na nagpoportray ng isang karakter na nasa isang gay relationship.
Sa report ng San Mateo Police station, ginulpi ni Tejada si Bautista sa CR ng Puregold branch sa Banaba, San Mateo, dahilan para mabasag ang bungo nito at ma-comatose .
Namatay si Bautista matapos ang dalawang araw na comatose sa Marikina Valley Medical Center.
Bago umano ang pangugulpi, inakusahan ni Tejada si Bautista na hinipon nito ang live-in partner ng aktor na si May Jana Malilin, habang nasa loob ng grocery.
Mariing itinanggi ng pamilya ng biktima ang akusasyon at sinabing disenteng tao ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.