Pamilya minartilyo habang natutulog sa Iloilo City; Tatay at 5-buwang sanggol patay | Bandera

Pamilya minartilyo habang natutulog sa Iloilo City; Tatay at 5-buwang sanggol patay

- October 22, 2017 - 06:59 PM

PATAY ang isang tatay at kanyang 5-buwang anak na lalaki matapos minartilyo ang kanyang pamilya habang natutulog sa kanilang puwesto sa isang pampublikong plaza malapit sa isang police station sa Iloilo City.

Nasawi si Muamar Ditingki, 29-anyos na negosyante at kanyang sanggol na anak na lalaki, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang misis na si Asnifah, 21, na isinugod sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Mandurriao District, ayon kay Chief Insp. Juvy Navales, Mandurriao police station chief.
Sinabi ni Navales na lumikas ang pamilya mula sa kanilang bahay sa Marawi City matapos lusubin ang lungsod ng mga teroristang grupong maute.

“They all had head injuries,” Navales told the Inquirer. “They were struck with the sharp edge of the head of the hammer. The handle was broken because of the repeated blows,” sabi ni Navales.
Naaresto ng mga pulis ang 28-anyos na suspek na si Mark Ganava, na kinilala ng mga testigo na siyang tumakas mula sa kiosk, kung saan nagbebenta ang mag-asawa ng mga damit.
Nakakulong si Ganava sa Mandurriao Police Station, bagamat itinatanggi na siyang sangkot sa pag-atake.
Idinagdag ni Navales na tulog sina Ditingkis nang pumasok sa kiosk ang mga isa hanggang dalawang suspek ganap na alas-4:15 ng umaga.
Tinatayang 150 metro lamang ang layo ng mga kiosk sa police station.
Idiniklara ng mga doktor sa WVMC ang bata na dead on arrival matapos ang tinamong mga pinsala sa ulo. Namatay din ang tatay sa ospital makalipas ang ilang sandali.
Idinagdag ni Navales na inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pag-atake at kung isa o dalawang katao ang na sa likod ng krimen.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga Ditingkis sa Zarraga, Iloilo matapos silang mapilitang lisanin ang kanilang bahay sa Marawi dahil sa limang buwang operasyon ng militar laban sa mga teroristang Maute.
Sinabi ni Navales na iuuwi ang mga labi nina Ditingkis sa Mindanao para mailibing sa loob ng 24 oras batay sa paniniwala ng mga Muslim.
“We will be filing a complaint for double murder and frustrated homicide [against Ganava] as the family is still focusing with the burial of the victims,” dagdag ni Navales. Inquirer

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending