Lacson ibinunyag na tumanggap si Faeldon ng P100M ‘pasalubong’
IBINUNYAG ni Sen. Panfilo Lacson na tumanggap umano ang nagbitiw na si Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng P100 milyong pasalubong.
Sa isang privilege speech, sinabi ni Lacson na nakain na si Faeldon ng sistema.
“Loud whispers in the four corners of the Bureau of Customs (BOC) compound tell of a P100-million pasalubong for the newly-installed commissioner,” sabi ni Lacson.
Nauna nang tinanggap ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw ni Faeldon sa harap naman ng kontrobersiya kaugnay ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).
“A quarter of the pasalubong was retained as a finder’s fee by a certain Joel Teves, a middleman at the BOC,” ayon pa kay Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.