Imee Marcos di nagpasindak sa banta ng Kamara, dumalo sa SONA | Bandera

Imee Marcos di nagpasindak sa banta ng Kamara, dumalo sa SONA

- July 24, 2017 - 04:59 PM

SA kabila ng banta na siya ay aarestuhin, lumantad si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa Kamara para bigyang suporta si Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Dumating si Imee sa Kamara bago pa mag-alas-4 ng hapon, ang iskedyul ng pagsasalita ni Duterte.

“Nandito lang ako para sa Sona, ayoko rumampa, tinatamad at medyo nanganganib baka mapaaga pa ‘yung pagkulong sa akin,” ani Imee nang makapanayam ng DZMM TeleRadyo.

Ang tinutukoy ng gobernador ay ang plano ng liderato ng Kamara na arestuhin at ikulong siya dahil sa umano’y maling paggamit ng tobacco excise funds kasama ang tinaguriang “Ilocos 6” na ngayon ay nakakulong na.

“Andito lang ako for full support kay Presidente Duterte at para maki-chika lang ng konti sa mga natitirang kaibigan,” dagdag na pahayag ni Imee.  Anya manonood lang siya ng speech ng pangulo mula sa tanggapan ng ina na si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Nanawagan din si Imee sa publiko na patuloy na suportahan ang pangulo.

“Basta inaasahan ko na talagang marami siyang ibabalita. At syempre isang taon (ang lumipas) sobrang taas ng expectations ng tao sa pagbabago. Pero kung tutuusin nabigyan tayo ng bagong buhay at ‘yung pagbabago kinakailangan din manggaling sa atin. ‘Wag natin iasa lahat sa pangulo. Napakarami niyang problema, sunud-sunod. Tulungan na lang natin,” pahayag pa nito.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending