MAGANDANG araw po. Nagfile po ako sa DOLE ng kaso sa may-ari ng aming kompanya na hindi ibinigay ang 2 buwan na sweldo ko sa hindi ko malaman na dahilan. Ayaw naman makipagusap sa akin kaya kinasuhan ko na lang. Nag sched ng 2 hearing ang DOLE pero ang balita ko ay hindi aattend sa unang hearing ang boss ko at babalewalain lamang ang kaso. Pwede po bang balewalain niya lamang ang hearing o ano po ang dapat kung gawin sakaling hindi siya aattend sa hearing?
Arnaldo Matibag.
Karuhatan,
Valenzuela
REPLY: Ang proseso po ng SENA ay para sa mga amicable settlement lamang gaya ng inyong kaso at ito ay tatlong beses na hearing lamang na kung saan kayo po ay pinagkakasundo ng inyong ni-rereklamo. Kaya huwag po kayong mag-alala kong hindi pa po aattend ang respondent sa pangatlong hearing. Ang hearing officer na humahawak sa inyo ay magse-certify to file action sa NLRC na kung saan kayo po ay maghahain na ng formal complaint at kayo po ay hihingian na ng POSITION PAPER.
Sa ganitong sitwas-yon, kayo po ay kaila-ngan nang kumuha ng sarili niyong abogado. Kung kayo po ay walang perang pambayad sa inyong abogado, maaari po kayong lumapit sa PAO office upang kayo ay mabigyan ng abogadong magtatanggol sa inyo. Ang inyong abogado ay siyang gagawa ng inyong POSITION PAPER ayon sa inyong mga grievances, unpaid compensation at kung ano-ano pa, ayon sa lahat ng inyong mga reklamo laban sa respondent. Sa huling bahagi ng inyong POSITION PAPER AY MAY NAKASULAT NA “PRAYERS” na kung saan lahat ng mga claims ninyo or ninanais na maipanalo ay dito po sinusulat.
Ang NLRC na po ang bahala sa inyo kung ano po ang patutunguhan ng inyong nirereklemo. Huwag po kayo mabahala dahil po ang NLRC ay may mga tinalagang SHERIFF para maghabol sa inyong claims mula sa respondent mapa ito man ay intangible or tangible asset.
Salamat po.
JOT
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.