Rebisco-PSL Manila team dumating na sa Kazakhstan | Bandera

Rebisco-PSL Manila team dumating na sa Kazakhstan

- May 24, 2017 - 12:15 AM

DUMATING kahapon sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan ang pagod sa biyaheng Rebisco-PSL Manila squad mula sa 35 na oras na paglalakbay.
Gayunman, nagpakita pa rin ng kasiglahan at kahandaan ang koponan sa sasabak sa Asian Women’s Club Volleyball Championships umpisa bukas Thursday.
Sa kanilang paglapag ay sinabi ni team captain Rachel Anne Daquis na ang battle cry ng koponan ay “big fighting heart” dahil nahaharap sila matinding laban kontra pitong iba pang koponan sa torneyo.
Ang 14-player team, na binubuo ng ilang miyembro ng Philippine volleyball team na nakatakdang lumaban sa Southeast Asian Games, ay sasagupa sa mga club team ng Japan, China, Vietnam, Thailand, Iran, Chinese Taipei at host Kazakhstan.
Tumangging magbigay ng prediksyon ang national head coach na si Francis Vicente pero nangako siyang bibigyan niya ng matinding laban ang Southeast Asian rivals ng bansa na Vietnam at Thailand.

“But we will be a going all out here because we want to gauge the team,” sabi ni Vicente. “From here we would know how to go about preparing for the SEA Games.”
Ang best finish ng Pilipinas sa torneyo ay 7th place mula sa 12 kasaling koponan noong isang taon.

Kabilang din sa Rebisco spikers sina SEAG team skipper Mika Reyes, Jaja Santiago, Aby Marano, Kim Fajardo, Denden Lazaro, Bia General, Lourdes Clemente, Maika Ortiz, Gen Casugod, Ces Molina, Aiza Pontillas, Rhea Dimaculangan at Jovelyn Gonzaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending