De Lima, Dayan magkahiwalay ang kulungan | Bandera

De Lima, Dayan magkahiwalay ang kulungan

- February 24, 2017 - 02:49 PM

Leila-de-Lima-Ronnie-Dayan

MAGKAHIWALAY ang kulungan ni Sen. Leila de Lima at kanyang dating boyfriend at aide na si Ronnie Dayan kung saan nasa Camp Crame sa Quezon City ang una at nasa Muntinlupa police naman ang huli.

Ipinag-utos ni Judge Juanita Guerrero, ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 sa humuling mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group na ibalik si de Lima sa Philippine National Police Custodial Service Unit sa Camp Crame matapos naman ang kahilingan ni CIDG-NCR chief Senior Supt. Belli Tamayo.

Kasama ni de Lima sa detention facility sina dating senador Jinggoy Estrada at dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., na kapwa nahaharap sa plunder matapos kasuhan kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Isinilbi ng CIDG ang warrant of arrest laban kay de Lima nang siya ay lumabas ng kanyang opisina sa Senado, ganap na alas-8 ng umaga. Tumuloy sila sa Custodial Unit ganap na alas-9 ng umaga, kung saan siya sumailalim sa booking sa kasong iligal na droga.

Dumating si de Lima sa Muntinlupa RTC ganap na alas-11:10 ng umaga sakay ng isang coaster. Makalipas ang 15 minuto, sinamahan siya ng tinatayang isang dosenang pulis mula sa CIDG na naka bulletproof vest sa Branch 204 para ibalik ang warrant of arrest at kumuha ng commitment order.

Bago umalis si de Lima sa compound ng Muntinlupa pasado alas-11:30 ng umaga, binuksan niya ang bintana ng coaster at nag “L” sign sa mga suporter, na sumigaw naman ng  “Laban, Leila!”

Makalipas ang 10 minuto, dumating naman si Dayan at kanyang pamilya kasama ang mga miyembro ng  CIDG sakay ng isang itim na van.

Sinabi ni Loreta Dayan na sinamahan ng kanyang pamilya ang kanyang kapatid mula sa Pangasinan para siya suportahan.

Nang tanungin kung may galit sila kay de Lima sumagot si Loreta ng: “Wala kaming sama ng loob kay Senator De Lima. Napakabuti niya sa amin. Hindi kami naniniwalang magagawa nila ang mga isinampang kaso sa kanila.”

Ganap na alas-12:20 ng hapon, umalis ang coaster mula sa compount ng Muntinlupa RTC na hindi sakay si Dayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Senior Supt. Nicolas Salvador, Muntinlupa police chief, na nakatanggap ang mgap ulis ng kautusan mula kay Judge Guerrero na ikulong si Dayan sa Muntinlupa police detention.

Idinagdag ni Salvador na nakakulong si Dayan  sa 10-square-meter na selda, hiwalay sa ibang preso. Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending